Biyernes, Mayo 13, 2011

Nade-depress ako :-l

Yay! nakakatawang isipin.. unang blog ko ito pero *nakakadepress* agad ang simula.. haha :P pasensya mga kaibigan. ;-P

Malapit ng matapos ang summer.. heto ako.. kahit isang out of town wala akong napuntahan.. haaay :(
nakakainis at nakakalungkot lang.. Gustong gusto ko talaga pumunta sa isang lugar na bago sa akin.. *fresh air,yummy food,great place,nice people!* Puno na yung Journal ko ng iba't ibang place na gusto kong mapuntahan pero kahit isa doon waley ko ma-reach! haaay.. sad Celina :(

Last month,gusto ko pumunta ng Ilocos.. doon sa place ng Bestfriend ko.. kaya lang holy week kaya siguradong hindi ako papayagang gumora! 

Pangalawa,yung sa Lakbay Dasal naman sa La union.. 3k ang bayad! tsk! kenis! hindi ako nakapag-impok!

Pangatlo,inaya ako ng kaibigan ko na sumama sa kanila sa Quezon April 28-30 daw.. papayagan naman ako suama ng parents ko.. kaya lang ni Boyfriend. Hindi.  :(

Pang-apat,hindi natuloy ang Summer Outing ng company namin.. napakasaklap. haha :P

Pang-lima,Gusto ako isama ng boyfriend ko sa Anawangin sa Zambales.. ang masamang balita? bawal na magsama.. :(  napakalupit ng tadhana sa akin.. tsk! Nakapag-Baguio,Boracay,Batangas na sya without me :( Nalulungkot ako sa tuwing masasagi sa isip ko na kahit isang plano namin last year walang natuloy.... kahit yung EK lang.. Gusto nya pumunta ng weekdays.. eh pareho kaming hindi pwede dahil sa work. pero hindi naman masama ang aking loob.. alam ko naman na napakadami naming dapat na unahin..*deep and heavy sigh*



Poor Celina.. hanggang Cavite na lang ba ang kayang tahakin ng iyong mga paa?

Isipin mo na lang Celina.. hindi pa ito ang tamang  panahon para makapaglibot/makapamasyal ka.. Wait ka lang.. May mas maganda pang darating sa iyo.. Ang lahat ay may rason.. Wait ka lang..



Sana makapag-ipon na ako..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento