Huwebes, Mayo 19, 2011

happy promise day :)

May 19 today! happy promise day! :) am super happy! :)
Umabsent si Boyfriend para magkasama at makapagbonding kami.. bukas naman monthsary namin! 6 years and 2 months! :D kaya lang nasa Zambales sya bukas.. team building nila sa Anawangin. Inggit much! uwi din sya ng saturday night.. pero sunday na kami magkikita..


So,ayun.. Nag-gora kami sa MOA. lunch time na kami nakarating.. nagtingin muna kami ng magandang movie. Sdaly,yung In the name of love lang yung pinakamaganda nila. Nag-aya si Boyfriend na magbowling na lang kami kaya di ko keribels magbowling noh. Ayun.bumili na sya ng ticket :P haha! After bumili ng movie ticket,pumunta kami sa  ME&U store. bibili sana ng couple shirt kaya lang waley ang mga designs nila. *sayang.. :(*


pumunta kami ng Greenwhich para bumili ng pizza,binili ni boyfriend yung Bacon cheese burger na pizza. tapos bumili pa sya ng chicharon.. after kumain ng chicharon bumili naman sya ng 2 popcorn at bottled water. Ang takaw namin noh? Actually,yun na ang lunch namin :) Super yummy ng pizza! :) at yung movie? Maganda! :) Di nasayang ang datung ni Boyfie! nauna pa sya umiyak kesa sa akin! haha! :P Parehong mababaw ang luha namin eh.. Grabe yung lovestory nila.. punong puno ng sakripisyo at luha.. May nangyayari kaya sa totoong buhay na ganun? ilang beses din kami napaiyak ni Boyfriend eh :)







After ng movie,pumunta kami ng department store,bumili si Bf ng mga susuotin nya for tomorrow.. Happy naman ako na pinakinggan nya yung mga ilang suggestions ko :) siguro mga 1 and half hour kami nag-ikot. pero happy pa rin :) pers taym namin mamili ng ganun sa department store. hahah :P pagkatapos magbayad,umupo muna kami sa labas. Mawawala ba naman ang piktyur piktyur? :) tapos nag-aya na sya kumain kasi need na namin umuwi dahil mag-aayos pa sya ng gamit nya at sa office sya mag-sleeping beauty dahil 3am ang alis nila.. Nagdinner kami sa KFC. Nag-usap ng kung ano ano hanggang sa ang naign topic namin eh kung sino ang mauuna mamatay. Ang gusto nya sana mauna na lang daw ako.. haha! kasi kapag sya daw ang nauna baka hindi ko raw kayanin.. alam naman nya kung gaano ako kadrama..pero kung mauuna daw sya,sana mag-asawa pa rin ako.. Sabi ko * Sabay na lang tayo! * tapos may sinabi pa sya na parang maiiyak ako eh.. touch lang ako..hehe! pagktapos kumain humayo na kami at umuwi. At dahil ayaw ni Boyfriend ng siksikan at maraming tao,nag-taxi kami. 100 pesos ang binayad nya! ang mahal! diresto na kami sa Jacliner terminal para umuwi na sa Carmona. ayun,piktyur uli at nakatulog sya sa balikat ko. sarap ng feeling! :D Umuulan pa nung pagdating namin ng Carmona. Binati ko na agad sya ng   *happy monthsary! * Sabi nya, " bukas pa diba? :) " say ko, " mas maganda na yung personal kasi hindi naman tayo magkikita bukas* Medyo sad na ako nung bumaba na sya sa kanila.. Sana po maging masaya ang team building nila bukas til saturday. Sana makauwi silang lahat ng Safe :D please po? :)




Super happy ako! :) Super effort si Hon talaga para mapasaya ako at mapangiti :)
Thank you Lord ha? hindi man ako swerte sa Career pero sa Love umaapaw at jackpot! :)
Thank you po talaga! :) Am super blessed! Thank you Lord for this love! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento